-- Advertisements --

Naka-full alert status na simula ngayong araw ang pulisya sa Cebu kaugnay sa pagsisimula ng religious activities bukas, Enero 5, para sa ika-458th fiesta Señor.

Nitong Miyerkules ng umaga, isinagawa ang send-off ceremony para sa Task Force Fiesta Señor at Sinulog na binubuo ng nasa mahigit 2,000 tauhan mula sa pulisya, sundalo, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at mga disaster responders.

“On the go” na ang mga peacekeepers at tiniyak ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod ng Cebu lalo pa’t itinuturing na pinakamalaking festival sa bansa ang Sinulog at inaasahan ang pagdagsa ng mas maraming tao dahil ngayon lang ito bumalik makalipas ang higit dalawang taong pahinga dahil sa pandemya.

Kaya naman, paalala ng Department of Health 7 na mahigpit pa ring sundin ang mga health at safety protocols kasabay ng selebrasyon.

Bukas, opisyal nang buksan ang kapistahan ni Sr. Sto Nino sa pamamagitan ng Walk with Jesus sa alas 4 ng madaling araw at sundan naman ng novena masses.

Samantala, inihayag ni PCol Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office na hinihintay nalang nila ang tugon ng National Telecommunications Commission kaugnay sa kanilang request sa signal jamming interruption lalo na sa panahon ng Grand Mardi Gras.

Nakikipag-ugnayan pa rin umano sila sa pamahalaang lungsod sa mga posibleng VIP na tutungo dito para sa Fiesta Senyor.