CENTRAL MINDANAO-Dumating na ang karagdagang puwersa ng pulisya at militar sa bayan ng Datu Piang Maguindanao.
Pinadala mismo ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa Datu Piang ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion-14,4th Special Action Battalion habang ang 6th Infantry (Kampilan) Division ay dinagdagan ang pwersa ng 6th Infantry Battalion at 34th In fantry Battalion Philippine Army.
Sa ngayon ay balik na sa normal ang sitwasyon sa bayan ng Datu Piang ngunit nanatili ang takot ng mga residente.
Ne-relieve na rin sa pwesto si Datu Piang Chief of Police Captain Israel Bayona para maibsan ang tensyon.
Matatandaan na dalawang myembro ng BIFF ang hinuli ng Datu Piang PNP na posibling dahilan ng pagsalakay ng mga terorista.
Samantala,hinikayat ni Datu Piang Mayor Victor Samama ang kanyang mga kababayan na maging vigilante matapos ang nangyaring pag-atake ng BIFF.
Nakiusap si Mayor Samama sa BIFF na sana ay huwag ng ulitin pa ang ginawa nila dahil nagdudulot lamang ito ng pangamba sa maayos na pamumuhay ng kanyang mga kababayan.