-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang pulis matapos makabangga ang minamanehong motorsiklo sa isang behikulo sa Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang pulis na si PSSgt. Diomar Tibor, naka-assign sa PNP SAF 9th SAB na nakadestino sa Sitio Duran, Brgy. Nierva sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang tumatakbo ang minamanehong sasakyan ni Renato Sernande, residente ng Barangay San Nicolas, ang provincial road portion ng Zone 1 Brgy. Santiago Old, nang lumiko ito, dito na ito nasalpukan ng motorsiklo ni Tibor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang pulis na agad naman na dinala sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.

-- Advertisement --