Patay ang isansg pulis matapos na ito tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Taguig City.

Kinilala ito na si Police Master Sgt. Napoleon Zamora.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, lulan ng kaniyang motorsiklo ang biktima ng ito ay pagbabarilin ng 4 na lalaki sa kahabaan ng MLQ St. Sa Bagumbayan.

Nakadistino si Zamora sa regional headquarters support unit ng Camp Bagong Diwa.

Inaalam ng mabuti ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.