-- Advertisements --
Patay ang isang pulis matapos na ito ay tambangan sa Maginhawa St., Teacher’s Village sa Quezon City.
Kinilala ang biktimang si Police Lieutenant Ernesto Mendoza Jr, na nakatalaga sa District Logistic Division ng Quezon City Police District (QCPD).
Sa imbesitgasyon ng mga kapulisana pasado alas-8 nitong Martes ng gabi habang minamaneho ng biktima ang kaniyang sasakyang ng biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.
Mabilis na tumakas ang mga ito pagkatapos ang insidente.
Hindi na naitakbo pa ang biktima sa pagamutan dahil nahirapan ang mga rumespondeng pulis na buksan ang kotse nito.
Inaalam pa ng mga kapulisan ang motibo ng nasabing insident.