-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang pulis matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa Santiago City.

Ang namatay ay si PMaster Sgt. Henry Areola Esteban, 46 anyos, may-asawa , residente ng San Andres, Santiago City .

Si Police Master Sgt. Esteban ay kasalukuyang nakatalaga sa Traffic Enforcement Unit ng SCPO.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa SCPO Station 1, nakatanggap sila ng tawag mula sa Punong Barangay ng San Andres at ipinaalam ang naturang insidente.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita ng ina ng biktima ang anak na nagtungo sa kanilang bakuran malapit sa tabing ilog dala ang naka-issue sa kanyang baril para makapag-firing ngunit nadulas sa lupa at nakalabit ang gatilyo ng baril na aksidenteng tumama ang bala sa kanyang ulo.

Agad dinala ng tumugong rescue team ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Nakuha sa crime scene ang isang Cal. 9mm pistol Glock 17 at isang empty shell .