Arestado ang isang pulis matapos umanong mamaril ng isang deaf-mute at isa pang kasamahan nito noong December 31, 2019.

Sa ulat ng Imus City Police na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si police Senior Sgt. Rolando Luzana, residente ng Gardenville Subdivision, Brgy. Pag-asa 2, Imus City.

Hawak ni Luzana ang isang posisyon sa sa Crime Laboratory ng Camp Crame.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pakikipagtalo ang suspek sa dalawang biktima na kinilalang sina Jedrick De Guzman, 18, deaf-mute; at kasamahan nitong si Mark Jason Rael, 22 years old.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, bigla umanong binunot ng pulis ang kanyang 9-mm Glock service firearm at pinaputukan ang mga biktima.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanang kamay si Rael at isinugod sa Las PiƱas District Hospital, habang si De Guzman ay nagtamo ng tama sa kaliwang binti at sinugod sa Medical Center of Imus.

Kasalukuyang naka-detine ang suspek sa Imus City Police Station para sumailalim sa imbestigasyon.