Reading Time: 1 minute

Arestado ang isang miyembro ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa ikinasang buybust operations ng Taguig City Police Station sa may Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ni PSPG Dir. BGen. Filmore Escobal ang pulis na si PCMSgt. Rahid Sendad Sanguan, kasalukuyang naka assign sa Protection Escort Division.

Bukod kay Sanguan, arestado din sa buy-bust operations ang kaniyang asawa na si Normina kasama ang lima pang ibang suspeks.

Naaresto ang mga suspek sa mismong tahanan ng nasabing pulis na ginagawa nilang drug den, lahat ng suspeks pwera kay PCMS Sangunian ang nagpositibo sa isinagawang drug test.

Siniguro naman ni Escobal na hindi nito tino-tolerate ang kaniyang mga tauhan na nasasangkot sa illegal drugs.

” The PSPG fully supports the ensuing investigation regarding the incident and will readily provide necessary information to assist the Taguig City Police in the conduct of a thorough investigation,” pahayag ni BGen. Escobal.