Ipinoproseso na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dokumento ng isang puganteng Chinese para mapabalik sa kanilang bansa.
Ayon Bobby Raquepo, head ng Fugitive Search Unit (FSU) ang suspek na si Chen Long alyas Chen Chenglong, 32 ay wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa economic crimes.
Lumalabas na nakakulimbat ang suspek kasama ang kanyang mga kasabwat sa Shandong Province ng 60 million RMB o P400 million sa pamamagitan ng hindi rehistrado investment company.
Ang pasaoprte rin umano ni Chen ay kinansela na ng Chinese government, kaya undocumented alien na ito sa kanilang bansa.
Pinapurigan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga tauhan ng BI-FSU dahil sa pagkakahuli ng suspek.
Sa ngayon nasa BI Detention Center sa Bicutan, Taguig ang banyaga habang hinihintay ang kanyang deportation.