-- Advertisements --
naia

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese national na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang suspek na si Chen Yiye, 48-anyos ay una nang naaresto ng mga otoridad sa Angeles City, Pampanga noong 2016 matapos mahulian ng 36.58 kg ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P100 million.

Sinabi ni Dennis Alcedo, Head ng Border Control and Intelligence Unit ng Bureau of Immigration, tinangka umano ng suspek na lumipad patungong China sa pamamagitan ng China Southern flight sa Ninoy Aquino Iternational Airport (NAIA) Terminal 1.

Nang ito ay inspeksiyunin ng mga immigration officers, lumabas sa kanyang record na kasama ang kanyang pangalan sa blacklist ng Immigration bureau.

Ang pugante ay mayroon nang deportation case na inisyu noong 2017.

Pinapurihan naman ni Commissioner Norman Tansingco ang mga port personnel dahil sa pagkakaharang kay Chen.

Nanindigan si Tansingco na walang lugar sa bansa ang katulad ng naturang banyaga.

Kaya naman agad nila itong pababalikin sa kanilang bansa at ilalagay sa Immigration blacklist at pagbabawalan nang pumasok sa bansa.

Agad namang dinala si Chen sa warden facility ng Bureau of Immigration sa Camp Bagong Diwa in Bicutan habang hinihintay ang kanyang deportation documents.