-- Advertisements --

Nakapagtala ng “very high” COVID-19 positivity rates ang Puerto Princesa sa Palawan at tatlong iba pang mga lugar hanggang kahapon, ayon sa independent group na OCTA Research.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang bilang ng mga taong na nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga nasusuring indibidwal ay umaabot sa 39 percent.

Ang dalawang iba pang mga lugar tinukoy ni David na mayroong “very high” na COVID-19 positivity rates ay ang General Santos City na may 33 percent, Iligan at Naga City na may 21 percent.

Samantala, “high” naman ang positivity rate naman sa Ormoc (19%), Iloilo City (15%), Cagayan de Oro (12%), Cotabato City (11%), at Zamboanga City (11%).

Ayon sa World Health Organization, ang target na positivity rate ay mababa dapat sa 5 percent.