-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 18 11 25 00

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinimok ni Sen. Risa Hontiveros ang publiko na pangalagaan at protektahan ang sarili laban sa posibleng pang-aabuso na mangyayari sa mga karapatang pantao simula ngayong araw.

Ito’y matapos naging ganap nang batas ang kontrobersiyal na Anti Terrorism Bill na para sa mga terorista.

Aniya, hindi lamang sa epekto ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang magiging focus ng taumbayan kundi kailangang bantayan at mapagmatyag sa magiging epekto ng batas laban sa terorismo ng bansa.

Matapos maipasa ang naturang batas ay maraming grupo ang naghain ng petisyon sa Korte Suprema dahil pa rin umano sa mga kuwestiyonableng probisyon na nakapaloob sa nasabing batas.