-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga scammer na nagpapanggap bilang mga tauhan ng ahensiya sa social media.

Inilabas ni Commissioner Norman Tansingco ang babala sa gitna ng mga ulat na maraming scammer sa social media ang gumagamit ng mga larawan at impormasyon ng mga empleyado nito para iligaw umano ang publiko sa pakikipagtransaksyon sa kanila.

Sinabi ng BI chief na ang mga empleyado ng bureau ay hindi awtorisado na makipag-ugnayan at gumawa ng mga transaksyon sa labas ng mga pasilidad nito at sa labas ng office hours.

Nakipagpulong na si Tansingco sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para pag-usapan ang mga isyung ito gayundin ang iba pang cybercrime concerns na nakakaapekto sa BI operations.