Mahal Tesorero
-- Advertisements --

May itinakda ng public viewing para sa pumanaw na komediyanteng si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.

Ayon sa kapatid nitong si Irene na simula ngayong Setyembre 3 hanggang Setyembre 5 ang itinakda nilang public viewing sa urn kung saan nandoon ang abo ng namayapang komediyante.

Gaganapin ito sa Cosmopolitan Chapel sa Shrine of the Santuario De San Vicente de Paul sa Tandang Sora Avenue,
Quezon City.

Magugunitang pumanaw ang 46-anyos na komediyante noong Agosto 31 dahil umano sa kumplikasyon sa COVID-19.

Nagsimula ang career nito sa isang TV show noong nakalipas na 14 na taon.

-- Advertisement --