-- Advertisements --

Magsisimula ngayong araw ang public viewing sa bangkay ng namayapang si Senator Rodolfo “Pong” Biazon.

Ang dating Armed Force of the Philippines (AFP) chief of staff ay nakaratay sa Herritage Park sa Taguig.

Base sa inilabas na abiso ng kaanak ng dating senador na magsisimula ang public viewing ng alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Tuwing alas-siyete naman ng gabi ay isasagawa ang misa kung saan nakaratay ang dating senador sa Chapel 2, 3 at 4.

Sa araw naman ng Lunes Hunyo 19 ay isasagawa ang Necrological service sa Senado ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 hapon.

Pagkatapos sa Senado ay dadalhin ito sa headquarters ng Philippine Marines sa Holy Child Chapel sa Fort Bonifacio sa Taguig City na magsisimula doon ang public viewing mula alas-5 ng hapon at magkakaroon ng misa ng alas-8pm.

Sa araw naman ng Martes, Hunyo 20 ay isasagawa ang libing sa Libingan ng mga Bayani na magsisimula ang parada ng 11 ng umaga.