-- Advertisements --

Naniniwala si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Dickie Bachmann na mayroong malakas na pambato ang bansa sa papalapit ng Southeast Asian Games sa Cambodia sa buwan ng Mayo.

Sinabi nito naging sapat ang suporta nila sa mga atletang sasabak sa torneo na magsisimula mula Mayo 5 hanggang 17.

Tiwala din ito na mag-iimprove ang ranking ng bansa sa nabanggit na torneo.

Mayroong 905 na atleta ang isasabak ng Pilipinas sa SEA Games kasama ang 257 na opisyal.

Magugunitang noong 2019 SEA Games ay nagkampeon ang Pilipinas kung saan nakapag-uwi sila ng 149 na gintong medalya.