Tiniyak ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez na maibibigay ng gobyerno ang lahat ng cash incentives sa mga atleta ng bansa na makakuha ng medalya sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Sinabi Ramirez na inaasahan na aabot sa P18 milyon ang posibleng pondo na maipalabas ng gobyerno para sa nasabing insentibo.
Nakasaad kasi sa Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act ang pagbibigay ng cash rewards na nagkakahalaga ng P300,000 sa bawat gold medal, P150,000 sa silver at P60,000 sa bronze medals.
Ang mga coaches naman ay makakatanggap ng 50 percent ng pera na natanggap ng kanilang atleta habang tig-25 percent naman sa worth of medal sa miyembro ng team na mayroong lima o mahigit pa na miyembro.