Mayroon ng naibigay na P256 milyon ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) para mas lalong mapalakas ang preparasyon ng atleta ng bansa sa 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa buwan ng Mayo.
Ang nasabing halaga ay personal na ipinasakamay ni chairman and CEO Alejandro Tengco sa Philippine Sports Commission (PSC) kung saan ito ang mandated na kontribusyon ng gobyerno sa sports body sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Nakasaad kasi sa batas na maglalaan ng bahagi ng kita ang PAGCOR sa PSC, Bureau of Treasury, Bureau of Internal Revenue at Local governments kung saan matatagpuan ang mga PAGCOR gaming establishiments.
Pinasalamatan naman ni PSC chairman Richard Bachmann ang PAGCOR dahil ito ay malaking tulong para sa atleta.
Bukod sa pagbibigay rin ng kanilang shares ay nagbibigay rin ang PAGCOR ng mga cash grants sa mga atleta at coaches na magwawagi sa mga international na competitions.