Naglaan umano ng P65 milyon ang PSC para sa local organizing committee para sa Fiba Basketball World Cup 2023 na gaganapin dito sa Pilipinas ika-25 ng Agosto.
Dagdag pa, hindi pa raw ito ang final amount dahil hinihintay pa nila ang inihanda ng gobyerno para sa nasabing palaro.
Ayon kay PSC Chairperson Noli Eala, hiniling din nila sa office of the president na magtayo ng inter-agency task force na magiging kaakibat ng Samahang Basketball ng Pilipinas, ng FIBA at ng mga local organizing committe sa pagho-host ng bansa sa FIBA World Cup 2023.
Iminungkahi ng Philippine Sports Commission na ang Inter-Agency Task Force ay dapat nang maghanda para sa darating na FIBA World Cup 2023 dahil gaganapin ito sa ating bansa.
Kaugnay niyan, sinabi ni Eala na ang pangunguna ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 ay isang magandang oportunidad para patunayan na ang ating bansa ay may maayos na pakikitungo sa iba at isa sa pinakamagandang sports destination.
Inaasahan naman na bubuhos dito sa Pilipinas sa susunod na taon ang mga NBA superstars lalo na ang Team USA na ang head coach ay ang Filipino American coach ng Miami Heat na si Eric Spoelstra. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)