Naglunsad na ng full investigation ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paglubog ng Boracay Dragon Force na ikinasawi ng pitong miyembro noong nakaraang linggo.

Sinabi ni PSC Chair Butch Ramirez, mandato ng PSC na mag-imbestiga sa mga amateur sports.

Pangungunahan ni PSC executive director Merlita Ibay at legal office ng PSC ang gagawing imbestigasyon.

Magugunitang pito ang patay nang tumaob ang bangka ng koponan habang sila ay nag-eensayo sa Boracay.