Handa ang Philippine Sports Commission (PSC) na dalhin ang Olympic hopefuls at qualifiers na nasa bansa sa gym na may bubble set-up sa Inspire Academy sa lungsod ng Calamba, Laguna sa Enero.

Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, maganda raw ang takbo ng pag-uusap nila ng pamunuan ng akademya kaugnay sa pagbabalik-ensayo ng mga atletang nais makasali sa Tokyo Olympics.

Hinihintay na lamang aniya nila sa ngayon na aprubahan ito ng Inter-Agency Task Force.

Kung maaalala, natigil ang ensayo ng mga atleta simula nang mag-lockdown ang bansa noong kalagitnaan ng Marso dahil sa coronavirus pandemic.

“We are coordinating this endeavor with the Philippine Olympic Committee since they are actually the ones in charge of this. They are our partners,” wika ni Ramirez.