Ibinahagi ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya.
Matapos ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tiniyak nito na magkakaroon ang PSC ng pangmatagalang programa na ikakatagumpay ng mga atleta.
Palalakasin din ito ang inisyatibo sa sports at lahat aniya ng mga atleta ng bansa ay makakatiyak ng suportang matatanggap mula sa PSC.
Makikipag-ugnayan dini sa mga pribadong sektor para hilingin ang ilang mga kakailanganing para sa ahensiya.
Pinuri naman ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa pagkakatalaga kay Eala dahil sa magandang record nito sa mga programa ng palakasan.
Bagong naging PBA commissioner kasi si Eala ay itinaguyod nito ang regional league na Liga Pilipinas at naging executive director ng Samahang Basketball ng Pilipinas.