Upang mahikayat ang mga Pilipino o mga OFWs na nasa bansang Malaysia, dinala ng Philippine Statistics Authority ang kanilang isinasagawang National ID Registration sa naturang bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa , national statistician and civil registrar general, nagsimula ang kanilang Philsys Registration noong February 23 .
Ito naman ay nakatakdang magtapos sa March 21 ng kasalukuyang taon.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa a pakikipagtulungan ng Philippine Embassy at Migrant Workers Office sa Kuala Lumpur.
Ito ay bukas para sa mga Pilipino na gusto mag-avail Lunes hanggang Huwebes mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Ayon pa sa opisyal na ang pagpaparehistro ng National ID sa ibang bansa ay isang patunay ng dedikasyon ng gobyerno sa paglilingkod sa mga Pilipino saan man sila naroroon.
Paliwanag pa ng opisyal na ang National ID ay nagiging gateway sa maraming mahahalagang serbisyo.
Kabilang na rito ang pagpapasimple ng mga transaksyon at pagbibigay kapangyarihan sa mga Pilipino sa ibang bansa. (With reports from Bombo Victor Llantino)