-- Advertisements --

Aarangkada na sa Oktubre 12 ang malawakang proseso sa pagpaparehistro para sa national ID system, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni PSA Assistant Sec. Rose Bautista na gagawin ang pre-registration sa pamamagitan ng doorstep interview o pagbabahay-bahay para sa mga target respondents.

Dito ay kukunin ang mahahalagang impormasyon na kanilang kakailanganin.

Kabilang sa kanilang tager respondents ang mga itinuturing na low-income household na kasali sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinatayang aabot ng 5 million sa loob ng 32 probinsya.

Para naman sa step 2, pupunta ang mga respondents sa designated registration para sa biometrics.

Aminado naman si Bautista na malaking hamon para sa ahensya ang nararanasang COVID-19 pandemic ng bansa. Gayunman, hinikayat pa rin nito ang publiko na kumuha ng national ID dahil malaki aniya ang maitutulong nito sa mga transaksyon sa pampribado at pampublikong sektor.

Hindi raw dapart matakot ang mga Pilipino na ipagkatiwala sa PSA ang kanilang impormasyon na irerehistro sa kanilang system.

Mahalaga umano na mabigyan ang bawat isa ng national ID na siguradong makakatulong sa pagpapadali ng mga transaksyon.

Sinigurado rin ng ahensya na kokontrolin nila ang pagbuhos ng mga tao sa registrations centers upang maipatupad pa rin ang social distancing.

Ang bawat machine naman na hahawakan ng mga magpaparehistro ay idi-disinfect bilang parte ng kanilang health protocols