-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng mga senador ang magiging kapalaran ng PS DBM, kung ito ay bukod nang paglalaanan ng pondo o tuluyang bubuwagin.

Sa paghimay ng P5-trillion proposed national budget, inungkat nina Sens. Franklin Drilon, Ping Lacson, Pia Cayeta at Ralph Recto ang ilang adjustment sa budget at paglalaan nito sa mga ahensya.

Puna kasi ng ilang mambabatas, naaabuso ang palipat-lipat na pondo mula sa regular agency patungo sa PS DBM.

Kung minsan naman ang iniimbak pa ang pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC).

Kaya nagkasundo ang mga mambabatas na maglagay na ng general provision na nagbabawal sa paglilipat ng allocated fund ng mga ahensya ng gobyerno sa PS DBM.

Ayon kay Finance committee chairman Sen. Sonny Angara, hindi na maaaring gawing parking ng pondo ang PS-DBM mula sa iba’t-ibang tanggapan.