-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Bayan ng Pres. Roxas at Magpet Cotabato ang tinungo ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), Provincial Treasurers Office (PTO) at Barangay affairs para maihatid at maipamahagi ang cash assistance na handog ng Provincial Government.

Ayon kay Ely Nebreja ng IPHO, sa kabuohan aabot sa 1727 individuals ang makatatanggap ng cash assistance.

Ang BNS at BHW ay tatanggap ng P4,200 o katumbas sa anim na buwan nilang allowance.

Mayroong P3,000 naman para sa mga day care worker at P1,000 para sa mga BPAT.

Una ng pinuri at pinasalamatan ni Gov. Nancy Catamco ang mga BHW, BNS, DCW at BPAT.

Dinaluhan ni VM Rogelio Marañon ng Magpet ang distribusyon, sa kanyang mensahe pinasalamatan nya si Governor Nancy Catamco dahil hindi niya nakakalimutan ang mga barangay frontliners ng Magpet.

Sa mensaheng pinaabot ni PD Henry Villar, sa pamamagitan ni Police Capt. Bernard Abarquez, Provincial Police Office Assistant Chief on Operations. Pinasasalamatan niya ang lahat ng Brgy. frontliners lalo na ang mga BPAT na kahit sa di kalakihan ang kanilang tinatanggap ay patuloy parin ang kanilang sebisyo para sa komunidad.

Nasa distribution din sila Board Member Ofring Respicio, Philbert Malaluan at Maria Krista Piñol-Solis. Present din ang mga brgy. Captains sina Franklin Baquillos, Annabelle Ogario, Elmar Manumba, Cadoy Descalsota, Paterno Bancag, Sammy Impit at Hercules Elequin.