Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinapayagan ang provincial buses na makadaan sa EDSA mula Abril 6 hanggang 10.
Ito ay upang maisakay ang mga pasahero na magsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsiya para sa lenten season.
Ibig sabihin ang mga provincial bus na magmumula sa North Luzon ay iteterminate muna ang kanilang biyahe sa bus terminals sa Cubao, Quezon city habang ang mga provincial bus naman na magmumula sa South Luzon ay dapat na i-terminate ang kanilang biyahe sa bus terminals sa Pasay city.
Kung matatandaan na nooong 2019, ipinagbawal na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga provincial bus sa EDSA.
Sa inilabas na LTFRB Memorandum 2019-031 inaatasan ang lahat ng provincial buses na magmumula sa Norte na mayroong terminals sa EDSA ay dapat na tumigil sa may Valenzuela Interim Terminal.
Ang mga magmumula naman sa South Luzon, Visayas at Mindanao na may terminals sa may EDSA sa Cubao, Quezon city ay dapat na tumugil sa Sta. Rosa Interim Terminal.
Ang mga bus naman na magmumula sa South Luzon, Visayas, at Mindanao na may terminals sa EDSA sa Pasay city ay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ang hakbang na ito ay upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa pangunahing mga kakalsadahan sa Metro Manila.