Nasa 50,000 katao ang nagsagawa ng kilos protesta sa Greece para ipanawagan ang pagbibitiw ng ilang opisyal.
Labis kasi nadismaya ang mga protesters sa naganap na malagim na aksidente kung saan nagbanggaan ang dalawang train na ikinasawi ng 57 katao at ikinasugat ng 14 na iba pa noong Pebrero 28.
Sigaw ng mga protesters sa Athens na hindi umano ito aksidente at ito ay krimen na dapat panagutin ng mga opisyal.
Aabot sa 30,000 na protesters ang nagprotesta sa Athens, habang mayroong 15,000 naman sa Thessaloniki at 10,000 protesters naman ang naitala sa Patras.
Ilang mga protesters ang inaresto ng mga otoridad matapos mahulitan ng mga pailaw o flares.
Nanawagan ang mga protesters na magbitiw na sa puwesto si Prime Minister Kyriakos Mitsotakis kung saan noong nakaraang araw ay humingi na ito ng paumanhin sa mga kaanak ng nasawing biktima.