Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kaniyang isusulong ang proteksiyon ng karapatan ng mga Filipino OFWs sa pagtungo nito sa Saudi Arabia para dumalo sa 1st ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit.
Sinabi ng Chief Executive na ang pagdalo niya sa summit ay magsisilbing magandang pagkakataon upang palakasin ang OFW rights protection.
Siniguro din nito ang pagtuloy na pagtataguyod sa national interest at well-being ng mga Pilipino.
Makikipagkita rin si Pang. Marcos sa Filipino community sa Riyadh, Saudi Arabia upang personal na pasalamatan sa kanilang mga naging kontribusyon nila sa Pilipinas.
Ipapaalam din ng Pangulo sa mga Pinoy OFW ang mga development na isinusulong ng kaniyang gobyerno.
Sinabi ni Marcos na nasa 2.2 million Filipinos ang nagtatrabaho sa GCC countries.
Nakatakdang makipag pulong si Pangulong Marcos sa ASEAN at Gulf Cooperation Council leaders upang talakayin ang mga hamon sa geopolitical developments, seguridad at maging sa ekonomiya.
Para sa Pangulo mahalaga ang nasabing conference dahil ito ang kauna-unahang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng ASEAN at GCC na parehong may napakasiglang mga tuntunin sa pag-unlad ng ekonomiya para sa mundo.
Kaya mahalaga ang partisipasyon ng Pilipinas sa nasabing summit.