-- Advertisements --

Tatapusin na ng Comelec ngayong araw ang canvassing ng natitirang limang municipal canvass para sa Palawan plebiscite, ukol sa paghahati-hati ng probinsya.

Sa nabilang na mga balota, 158,501 ang kontra, habang 116,436 naman ang pabor para sa pagkakaroon ng Palawan del Norte, Palawan del Sur at Palawan Oriental.

Nagmula ang mga ito 60.40 percent na voters turn-out ng nabanggit na lalawigan.

Pero una nang tumanggap ng kanilang pagkatalo ang mga opisyal na nagsulong ng tatlong bahagi ng probinsya.

Bago ito, ilang aberya ang naitala, kasama na ang masamang lagay ng panahon dahil sa low pressure area (LPA) at pagkasira ng sasakyan ng board of canvassers.

Ikinagalak naman ng Comelec na maraming karaniwang mamamayan mula sa mga baryo ang nakibahagi sa plebesito.