-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakatakda nang maglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol ng programa para sa mga Badjao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DSWD-Bicol director Arnel Garcia, inamin nito halos karamihan sa mga Badjao ay hindi natatakot sa banta ng coronavirus at patuloy pa rin na nagpapalaboy-laboy sa matataong lugar para manglimos.

Nababahala rin ang opisyal lalo pa’t karamihan sa mga ito ang hindi nagsusuot ng face mask at hindi rin nag-ooberba ng social distancing.

Dahil dito, plano ng ahensya na tipunin ang lahat ng mga Badjao sa Bicol at dadalhin sa mga pasilidad kung saan sila puwedeng manatili na malayo sa mga matataong lugar.

Para na rin maiwasan ang panglilimos, bibigyan ng ahensya at lokal na pamahalaan ng food packs ang mga ito.

Maliban dito, pinaplantsa na ang pagpapauwi sa mga Badjao sa mga lugar na kanilang pinanggalingan.