Nakatakdang bumalik na sa Hunyo 9 ang professional baseball season ng Japan.

Sinabi ni League commissioner Atsushi Saito na ang pagkakaiba ngayon ng mga laro ay walang mga audience na manonood.

Sinang-ayunan naman ng 12 koponan ang nasabing pahayag ni Saito.

Magugunitang noong Marso 20 pa sana nagsimula ang nasabing mga laro subalit ito ay ipinapagpaliban dahil sa coronavirus pandemic.