-- Advertisements --
Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na hindi nasayang ang nakalipas na school year 2020-2021.
Ito’y sa kabila ng alternatibong pamamaraan na distance learning, sa pamamagitan ng online class at modules.
Sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na napakahirap ng nagdaang academic year para sa mga guro at estudyante dahil nananatili pa rin ang COVID-19 pandemic.
Pinuri naman ng opisyal ang mga guro at mag-aaral sa pagsisikap ng mga ito, kaya naging matagumpay ang nakalipas na school year.
Maging ang mga magulang na umalalay sa kanilang mga anak para sa hindi nakasanayang sistema ng pag-aaral ay kinilala rin ng DepEd.