-- Advertisements --
Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan ng Philippine National Police (PNP) na makabili ng mga kagamitan.
Ito ay matapos na madiskubre ng pangulo ang anomalya sa pagbili ng PNP sa overpriced traffic radars.
Sa kaniyang talumpati sa Philippine Marine Corps sa Taguig City nitong Lunes, nadiskubre na nasa P950,000 kada traffic radar sa kada unit ng traffic radar.
Dagdag pa nito ng bumili ang anak nito na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ay tig-P10,000 lamang ang presyo ng kada isang unit.
Dahil sa nasabing pagkakadiskubre ay ipinaubaya na ng pangulo ang pagbili ng mga kagamitan ng PNP kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.