PROCOR, naka-handa na sa Oplan Kaluluwa 2019

BAGUIO CITY – Nakahanda na ang Police Regional Office Cordillera (PROCOR) para sa nalalapit nang pag-alala sa Araw ng mga Patay.

Inutusan ni PROCOR Regional Director Police Brigadier General Israel Iprhaim Dickson ang mga provincial at municipal police offices sa Cordillera Administrative Region na maglatag ng iba’t-ibang programa at plano para sa Oplan Kaluluwa 2019.

Aniya, pinaplantsa na ang mga deployment plan at monitoring sa iba’t-ibang kalsada lalo na yaong mga malalapit sa mga sementeryo.

Tiniyak pa ni Dickson na may mga kasapi ng PROCOR na nakahandang magbigay ng augmentation force sa mga police units sa rehiyon.