-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang problema sa suplay ng kuryente sa Siquijor.

Dahil dito ipinatawag ng Pangulo ang mga opisyal ng Department of Energy upang tugunan ang dinaranas na aberya sa supply ng kuryente sa Siquijor.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na pinaiimbestigahan ng Pangulo ang Siquijor Island Power Cooperative.

Iniutos rin anya ni Pang. Marcos ang agarang pagresolba sa supply ng kuryente sa lalawigan.

Ayon kay Castro, nagsimula nang maglatag ang DOE ng mga short-term at long-term na solusyon sa nasabing problema.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang pansamantalang supply arrangements hanggang sa mas matibay at maaasahang power infrastructure sa isla.

Una nang nagdeklara ng state of calamity ang Siquijor dahil sa krisis sa kuryente.