-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Police Regional Office-7 na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay ng pagsailalim sa Commission on Election Control sa Negros Oriental dahil naging proactive lang ang gobyerno para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Inihayag ni Police Regional Office-7 spokesperson PLt Col Gerard Ace Pelare na isa pa umano itong assurance sa mga NegOrenses na binigyang-atensyon ang lalawigan sa layong makamit ang isang ligtas at patas na eleksyon.

Sinabi pa ni Pelare na kaya ito ginawa dahil malaki pa ang posibilidad na makaapekto sa pagsasagawa ng eleksyon ang peace and order situation ng lalawigan base na rin umano sa mga nakaraang mga insidente.

Sa ilalim pa ng Commission on Election control, mayroon pang kapangyarihan ang komisyon o maaari nilang i-require sa nasyonal at lokal na ahensya na gumawa ng partikular na gawain.

Tiwala naman si Pelare na makakapaghatid sila ng isang ligtas na halalan ngayong taon.

Samantala, nauna na ring nilinaw ni Commission on Elections Regional Director Atty. Lionel Marco Castillano sa isinagawang presscon kahapom na ang pagsasailalim sa lalawigan sa Commission on Election Control ay isang proactive at precautionary measure lamang at hindi nangangahulugang magulo na doon.