Isang pribadong isla sa kanlurang baybayin ng Wales ang ibinebenta sa halagang £3 million ($4 million).
Ang kilalang Thorne Island, ay matatagpuan mula sa Pembrokeshire, na may lawak na 2.49 acres at may 19th-century fort.
Itinayo ang fort noong 1852–1854 bilang bahagi ng depensa ng Britain laban sa posibleng pag-atake ni Napoleon. Nagsilbi ito bilang hotel at pribadong tahanan.
Nabatid na binili ito ni British tech entrepreneur Mike Conner noong 2017 sa halagang £500,000 at ginastusan ng mahigit £2 million para sa restoration, kabilang na ang renewable energy systems na ginawang self-sufficient ang isla.
May mga pasilidad ito tulad ng helipad, rooftop bar, games room, at accommodations para sa 20 bisita.
Ayon kay Conner, maaari itong gawing luxury retreat, event venue, o pribadong bakasyunan para sa mga naghahanap ng total seclusion.