Nangako ang Coordinating Council of Private Educational Associations Philippines (COCOPEA) na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Departmet of Education kasunod na rin ng pagpayag sa mas maraming flexible options sa private schools.
Kasunod nito, todo pasasalamat naman si COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada sa DepEd dahil sa pagpayag na sa flexible options para makapag-aral ang mga estudyante.
Tiniyak naman ni Estrada ang patuloy na “partnership” sa pagitan ng gobyerno at mga private sector.
Pinapurihan din nila ang desisyon ng DepEd na palawigin pa ang offering ng blended at distance learning modalities sa mga private schools pagkatapos ng October 31.
Sa ilalim nga ng DepEd Order 44, ang mga private schools ay mabibigyan ng ilang option kabilang na ang five-day in-person classes, blended learning modality at full distance learning.
Naniniwala naman si Estrada na sa pamamagitan ng naturang setup ay magiging beneficial ito sa mga learners bilang complementary sa in-person classes.