-- Advertisements --

Ipinapasama ni House Deputy Speaker Mikee Romero sa Kamara ang financial aid para sa mga private school teachers at personnel sa ilalim ng Bayanihan 2.

Dapat aniya magkaroon ng “one-time” assistance para sa mga empleyado ng mga private schools, na katulad ng karamihan ng mga manggagawa sa bansa, ay apektado rin ang pamumuhay dahil sa COVID-19 matapos mawalan ng trabaho at income.

Katulad ng sa ilalim ng Bayanihan 1, na naisabatas noong Marso, dapat sa ilalim ng Bayanihan 2 ay mabigyan din ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda ang mga private school personnel.

“We can categorize them as low-income and include the same amount of aid for them in Bayanihan 2, depending on the regions where they are located,” ani Romero.

Hindi kasi katulad ng mga guro sa pampublikong paaralan, sa mga nakalipas na buwan ay walang natanggap na sahod ang mga private school teachers at personnel dahil sa Agosto pa ang pasukan.

Samantala, nilinaw naman ng kongresista na ang mga private school employees na nakatanggap na ng P5,000 hanggang P8,000 financial aid sa ilalim ng Bayanihan 1 ay hindi na maaring makatanggap ng karagdagang ayuda sa ilalim ng Bayanihan 2.