Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga private laboratories na nag-aalok ng saliva test sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahaharap sa karampatang parusa ang mga private laboratories na ito.
Binigyan diin in Vergeire na tanging ang Philippine Red Cross (PRC) lamang ang siyang nabigyan ngayon nang approval para makapagsagawa ng saliva test sa COVID-19.
Ibig sabihin, tanging ang saliva test na gawa lamang ng PRC ang siyang maikokonsiderang opisyal at maaring gamitin ng isang indbidwal.
Base sa pag-aaral na ginawa ng PRC, lumabas na mahigit 98 percent ang accuracy ng saliva test.
Pero ayon kay Vergeire, inirekomenda ng mga laboratory expers ang close monitoring para matukoy kung mataas din ang resulta na makukuha kapag isagawa ito sa malaking bilang ng tao.
Sa ngayon, ang Research Institute of Tropical Medicine (RITM) ang siyang nagba-validate kung maaring gamitin ang saliva test ng ibang mga laboratoryo sa bansa.
















