Screenshot 2020 06 10 17 59 33 68
-- Advertisements --

Aminado ngayon ang National Privacy Commission (NPC) na wala pa silang nakikitang maliwanag na motibo sa pagdami ng mga pekeng Facebook accounts.

Ayon kay NPC Chairman Raymund Liboro, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagkalap nila ng mga ebidensiya matapos ang pagkalat ng tinawag nitong “impostor” FB accounts.

Pero paliwanag niya, tatlo ang pangunahing rason sa paggawa ng mga impostor accounts.

Kabilang na rito ang layunin ng gumawa sa pekeng FB account na manggulo, magpahayag ng saloobin at dahil sa pera.

Sa ngayon, hindi pa raw na-establish ng NPC kung nasaan sa tatlo ang motibo sa pagkalat ng mga pekeng FB accounts noong nakaraang linggo.

-- Advertisement --

Pero aniya, mayroon na raw mga impostor FB account ang na-take down ng NPC pero hindi pa sigurado kung ilan na lahat.

Payo naman ni Liboro sa mga FB users, kaagad i-report sa mismong Facebook kung alam nilang mayroong gumawa ng pekeng account ng kanilang FB.