-- Advertisements --

Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) na maaaring maharap sa reklamo ang mga walang pakundangang naglalabas ng mga personal na impormasyon ukol sa mga biktima ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, maaaring makaapekto sa ilang tao ang paglalabas ng detalye at makapagdulot pa ng panic.

Dapat aniyang ipaubaya na lamang ang mga impormasyong ito sa mga tamang opisyal na nangangasiwa sa COVID cases.

“The Department of Health has been cautious in upholding patients’ confidentiality. It is releasing only information that is necessary to protect public health during this time of emergency without sacrificing its duty to determine cases and conduct contact-tracing to contain the virus.,” wika ni Liboro.

Samantala hindi naman umano maaaring magamit ng mga taong sentro ng contact tracing para sa COVID ang data privacy para makaiwas sa pagtatanong ng DOH, dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng marami.

“We wish to emphasize that the Data Privacy Act does not prevent the government from doing its job. It follows that the DPA should not prevent government, especially public health entities, from processing personal and sensitive personal information when necessary to fulfill their mandates during a public health emergency,” dagdag pa ng Privacy official.

Payo ng inter-agency task force, kung nais humingi ng gabay para sa mga isyung may kinalaman sa deadly virus, itawag na lamang ito sa kanilang hotline na 1555 at (02) 894-COVID O 26843.

Pero pakiusap ni DILG Usec. Jonathan Malaya, huwag naman sanang guluhin ang linya ng mga “prank callers” o ng mga nais lamang mang-inis.