-- Advertisements --
Marcos 1

Dinagdagan daw ngayon ng Marcos Administration ang apat na measures sa listahan ng priority legislations na una nang binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza ang bagong measures na nadagdag sa priority list ay ang 2023 General Appropriations Act, ito ay panukalang batas na magpapatatag sa regulatory functions ng Maritime Industry Authority (MARINA), ang bill para sa condonation ng mga hindi nabayarang amortization, interest ng mga loan ng agrarian reform beneficiaries at ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).

Bagamat ang MTFF ay hindi naman isang panukalang batas pero kailangan itong ma-legislate.

Kung maalala, in-adopt ng parehong kapulungan ng Kongreso ang magkahiwalay na resolusyon na nagpapahayag ng suporta sa six-year fiscal plan ng Marcos administration.

Sa unang SONA, hiniling ni Marcos sa Congress na ipasa ang 19 na bill sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Kabilang na rito ang:

-National Government Rightsizing Program (NGRP)
-Budget Modernization Bill
-Valuation Reform Bill
-Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA)
-E-Governance Act
-Internet Transaction Act or E-Commerce Law
-Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE)
-Medical Reserve Corps
-National Disease Prevention Management Authority
-Creation of the Virology Institute of the Philippines
-Department of Water Resources
-Unified System of Separation, Retirement and Pension
-E-Governance Act
-National Land Use Act
-National Defense Act
-Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP)
-Enabling Law for the Natural Gas Industry
-Amendments to the Electric Power Industry Reform Act or EPIRA (Republic Act No. 9136)
-Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law

Sa ngayon, nagsasagawa na raw ang Presidential Legislative Liaison Office ng inter-agency consultative meetings para ma-fine tune ang mga measure na nabanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA.