Prince Philips
Prince Philips

Itinakbo sa pagamutan si Prince Philip ang asawa ni Queen Elizabeth.

Ayon sa Buckingham Palace, galing sa Norfolk ang Duke of Edinburg ay dumiretso ito sa King Edward VII Hospital sa London matapos na sumama ang kaniyang pakiramdam.

Dahil na rin sa payo ng kaniyang mga doctor ay nanatili ang 98 anyos na si Prince Philip.

Paglilinaw din ng Buckingham palace na hindi gaano kalala ang lagay ni Prince Philip dahil nakapaglakad pa ito patungong pagamutan.

Nanatili sa trono si Prince Philip sa loob ng 67 taon at nagretiro sa pagpapakita sa publiko noong Agosto 2017.

Mula noon ay madalang na itong nagpapakita sa publiko.

Taong 2011 ng ito ay operahan dahil sa pagbara sa ugat sa kaniyang puso.

Noong 2017 naman ng ma-ospital ito dahil sa infection mula sa kaniyang maselang kondisyon at noong nakaraang taon ay inoperahan ito sa beywang.

Naaksidente naman ito noong Enero ng bumangga ang kaniyang Range Rover sa isa pang sasakyan sa Sandrigaham estate.