Inilipat sa ibang pagamutan si Prince Philip ng Britanya para sa pagpapagamot ng kaniyang impeksyon at obserbasyon sa kondisyon ng kaniyang puso.
Ayon sa Buckingham Palace, dinala ito sa St. Bartholomew Hospital.
Unang na-confine kasi ang 99-anyos na Duke of Edinburgh sa King Edward VII Hospital noong Pebrero 17 matapos na sumama ang kalusugan.
Nanatili ito sa King Edward VII Hospital ng 14 days at 13 nights ang pinakamatagal nitong pananatili sa pagamutan.
Nauna ng sinabi ng anak nitong si Prince Edward na bumubuti na ang kalagayan ng ama at inaasahang makakauwi na sila.
Si Prince Philip na ipagdiriwang ang ika-100 taon sa Hunyo ay umatras sa pampublikong buhay nito noong 2017 at makailang beses na itong dinala sa pagamutan.
Isinuko nito ang kaniyang driver’s license noong Pebrero 2019 matapos masangkot sa aksidente.