Dinala sa pagamutan si Prince Philip ang Duke of Edinburgh dahil sa sama ng pakiramdam nito.

Ayon sa Buckingham Palace, itinakbo ang 99-anyos na si Philip sa King Edward VII Hospital sa London bilang “precautionary measure”.

-- Advertisement --

Paglilinaw nila na hindi COVID-19 ang sakit nito matapos ang sama ng pakiramdam nito ng ilang araw.

Payo na rin aniya ng kaniyang doctor na manatili ito ng ilang araw sa pagamutan.

Hindi naman na sumama sa pagamutan ang may-bahay nito na si Queen Elizabeth at ito ay nasa Windsor.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagpaturok ng COVID-19 vaccine ang mag-asawa sa Windsor Castle.