-- Advertisements --
image 61

Umani ng batikos ang Duke of Sussex na si Prince Harry matapos ang mga rebelasyon nito sa kaniyang kauna-unahang memoir o talambuhay na “Spare”.

Ang pamagat ay hango sa parirala na “the heir and the spare”, terminong karaniwang ginagamit para ilarawan ang first at second born children ng royal monarch.

Bago ang opisyal na publication ng libro sa araw ng Martes, Enero 10, 2023, kumalat na ang ilan sa mga kontrobersyal na konteksto nito matapos na aksidenteng naibenta sa Spain ang bersyon ng memoir na nakasulat sa wikang Espanol.

Kabilang sa mga rebelasyon ni Prince Harry sa kaniyang libro ay ang pisikal na pag-atake umano sa kaniya ng magiging susunod na tagapagmana ng trono na si Prince William, ibinunyag din nito kung paano nawala ang kaniyang virginity, paggamit ng droga at ang pagbubunyag nito na pagpatay sa 25 katao sa Afghanistan na umani ng pagkondena mula sa Taliban.