Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim mula sa Marso 1 o bukas hanggang Marso 2 ngayong taon.
Ito ang magiging kauna-unahang pagbisita ng opisyal sa bansa matapos na maupo ito bilang ika-10 Prime Minister ng Malaysia.
Kabilang sa delegasyon ay binubuo ng Minister of Foreign Affairs Dr. Zambry Abd Kadir, Minister of Home Affairs Saifuddin Nasution Ismail, minister of Entrepreneur and Cooperatives Development Ewon Benedick at mga opisyal mula sa Ministries and Agencies.
Sa pagbisita ni PM Ibrahim sa bansa, makikipag-pulong ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang ilang mga bilateral matters gaya ng security cooperation, halal industry collaboration at digital economy cooperation.
Inaasahan din na magpapalitan din ng pananaw ang dalawang lider sa regional at international issues of mutual interest.
Nakatakdang magsagawa din ng Public lecture ang Prime Minister ng Malaysia sa University of the Philippines at magsasagawa ng engagement session sa mga Malaysian diaspora na nasa Pilipinas.