-- Advertisements --

Sumailalim na sa drug test si Finnish Prime Minister Sanna Marin.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagkalat ng video na ito ay nagpa-party at sobrang kalasingan.

Dahil umano sa video ay hinamon ng ilang mambabatas ng Finland ang 36-anyos na Prime Minister na magpa-drugtest para matiyak na hindi ito gumagamit ng iligal na droga.

Ayon kay Marin na malalaman sa susunod na linggo ang nasabing resulta ng kaniyang drug test.

Pagtitiyak pa nito na hindi siya gumagamit ng iligal na droga.